FAQ:About Audacity/fil
> Tumungo sa: FAQ:Installation, Startup at Plug-Ins
|< Index ng mga Madalas na Katanungan
Contents
- 1 Libre ba talaga ang Audacity? Bakit?
- 2 Naglalaman ba ng spyware, malware o adware ang Audacity?
- 3 Maari ba na mamigay ng kopya ng Audacity
- 4 Mayroong nagbebenta ng Audacity sa eBay. Legal ba ito?
- 5 Ang search result ay napunta sa isang Audacity download na kailangang bayaran. Ano ang kailangan kong gawin?
- 6 Hindi pinapakita ng Audacity ang inaasahang lenguahe. Pwede ba ito palitan?
- 7 Magkakaroon ba ng bersyon ang Audacity sa iPod, iPad o iba pang smartphones o tablet computers?
- 8 Pwede bang magamit ang Audacity sa Chromebook laptop?
- 9 Paano magiging accessible ang Audacity para sa mga motion- o visually impaired users?
- 10 Anong mga features meron ang Audacity para sa speech transcription o speech recognition?
- 11 Gagana ba ang Audacity sa mga 64-bit system?
- 12 Suportado ba ng Audacity ang low latency ASIO drivers
- 13 Paano ko malalaman ang bersyon ng Audacity na meron ako, at kung ito ba ang bagong bersyon?
- 14 Bakit ang Audacity ay hindi mai-ship kasama ang MP3 encoder?
- 15 Paano ako makakatulong para mapaganda ang Audacity?
Libre ba talaga ang Audacity? Bakit?
Oo, ang Audacity ay libreng libre na open source software. Malaya mo na magagamit ang program na ito mapa-personal, commercial o educational, kasama ang pag-install nito sa iba't ibang mga computers. Malaya mo rin na maipapamigay, maibe-benta o i-modify ito para sa pansarili mong pag-gamit sa ilalim ng kasunduan sa GNU General Public License.
Ang mga awtor ng Audacity ay nagpasya na i-release ito sa ilalim ng GPL sa maraming kadahilanan. Ang iba sa amin ay ginawa ito para magbahagi, dahil nararamdaman namin na dapat ang lahat ng software ay libre; ang iba naman ay naniniwalang may lugar para sa libre at proprietary software.
Isang rason kung bakit ang Audacity ay libre para ito ay higit na makilala at magamit. Isa pang rason ay para mahimok ang collaboration. Dahil sa libreng lisensya ng Audacity, ang mga tao sa buong mundo ay nag-tulungan sa pag-code, bug fixes, documentation at graphics.
Ikinagagalak namin ang mga donasyon para sa suporta sa Audacity Development.
Naglalaman ba ng spyware, malware o adware ang Audacity?
Wala, kapag ikaw ay nagda-download ng Audacity galing sa aming website http://web.audacityteam.org. Tingnang mabuti ang independent verification ng Audacity software sa pamamagitan ng pag-bisita sa virustotal.com search page, ilagay ang "audacity"(walang quotes) sa search box at pindutin ang "Search it!" button. Bisitahin ang siteadvisor.com para makita ang report sa http://audacityteam.org.
Ang audacity ay laging libre at open source kapag nag-download galing sa amin. Ito ay pinangungunahan ng not-for-profit volunteer group, ang source code ay bukas sa lahat para mapag-aralan at magamit.
Gayunpaman, ang mga virus checkers ay kadalasang nire-report na false positive ang Audacity Installer sa Windows (.exe). Ito ay nangyayari dahil ang Audacity ay gumagamit ng compressed installer. Ang ibang mga anti-virus programs ay maari rin na i-block ang mga installer kapag binuksan ito mula sa temporary space. Subukang i-download ang installer sa iyong desktop at buksan ito. Kung ikaw ay nababahala sa kaligtasan ng installer, maari kang mag-download ng zip version ng Audacity at tingnan kung may virus. I-report ang mga false pasitive tungkol sa Audacity sa supplier ng iyong security program para ma-update nila ang kanilang virus definitions.
Eto pa, ang SmartScreen filter sa nakalipas na bersyon ng Internet Explorer (IE) ay maaring mag-warning na ang Audacity ay hindi "commonly download" at tatanungin ka na i-confirm ang download. Ang warning na ito ay normal at nangyayari lamang (kung hindi lahat) sa bagong Audacity Release o download. Ang warning na ito ay nangyayari kapag (karagdagan sa pag-check ng listahan ng nalalamang malware), ang IE ay tinitingnan ang file database ng Microsoft na "well known and downloaded by many Internet Explorer users". Para sa karagdagang tulong, tingnan ang SmartScreen FAQ.
Maari ba na mamigay ng kopya ng Audacity
Maari kang mamigay ng kopya ng Audacity sa ilalim ng GNU General Public License, na binibigyan ka ng permisyon na ibahin, kopyahin o ibenta ang program hangga't ginagamit mo ang itinakdang lisensya at gawing available ang source code (kagaya ng pag-sama ng video tutorial o openly licensed sound sample), at para sa pag-offer sa customers ng technical support. Tingnan ang Advice for Vendors para sa buong detalye.
Mayroong nagbebenta ng Audacity sa eBay. Legal ba ito?
Ang pagbebenta sa Audacity ay legal, hangga't ang nagtitinda ay ginawa ang program at ang source code ay available sa ilalim ng GNU General Public License (GPL). Kung ang vendors ay iniba ang Audacity, ang aming trademark ay nangangailangan na tawagin ang program na iba pa sa AUdacity. Tingnan ang aming License para sa buong detalye.
Ang ibang vendors ay nagbebenta ng unmodified Audacity sa ilalim ng ibang pangalan, o huwag kaming bigyan ng kahit na anong link o credit para sa software - eto ay mahirap iwasan sa ilalim ng kasalukuyang GPL. Kung iyong binili ang produkto at mamaya ay nalaman na ito ay Audacity, hinihimok ka namin na humingi ng refund o mag-file ng complaint kapag naramdaman mo na hindi nakuha ang fair deal. Tingnan ang "Maari ba na mamigay ng kopya ng Audacity?" ang inaasahan namin sa mga Audacity vendors.
Kapag mayroon ka pang concerns tungkol sa Audacity (iniba o hindi) na ibinebenta na walang kopya ng GPL, o walang ipinakitang source code, pakiusap, email mo sa amin.
Kung gusto mo na magkaroon ng kopya ng Audacity sa CD: Libreng ISO download at mayroong hindi kamahalang CD's by post na naglalaman ng Audacity at iba pang open source software ay available galing suppliers sa aming If you want to obtain Audacity on CD: page.
Ang search result ay napunta sa isang Audacity download na kailangang bayaran. Ano ang kailangan kong gawin?
Sa iyong pag-search ng Audacity sa internet, madalas mo na makikita ang "sponsored results" na link sa mga kumpanya na nagbebenta ng Audacity (o ang may access dito) para sa pera. Halimbawa, mayroong "free" download pero ang "small print" ay aaibisuhan ka para sa isang paid subscription ng software o services kada buwan. O ang ibang kumpanya ay sisiguraduhin na ibibigay ang "very latest version" na kapag ang kanilang version ay out-of-date, o minsan ang download ay libre talaga pero naglalaman ng spyware o mga virus.
Dapat mo na iwasan ang ganitong mga advertisers at i-download lamang ang audacity mula sa http://web.audacityteam.org/ .
Kapag ang advertisement ay galing sa Google at hindi nag-comply sa kanilang terms maari ka na mag-complain sa Google tungkol dito. Ang "Audacity" ay registered trademark sa USA at recognised kagaya ng Google, Sumakatuwid, kung ang Google.com ay may kasamang "Audacity" sa advertisement o ang link text, maari mo itong i-report sa Google. Maari ka rin mag-complain sa Google kung ang advertisement ay hindi "accurately represent the product or service" - sabihan ang Google kung sa paanong paraan ng advertising ang hindi accurate ang representation.
Kung nag-bayad ka gamit ang credit card dahil sa fradulent advertisement, maari kang mag initiate ng chargeback sa iyong credit card company. Kailangan mo ipakita na ang advertising at website na iyong binisita at misleading. Kailangan mong subukan na ayusin ang refund sa retailer muna, pero kadalasan, mahirap ma-contact at mayroong oras na limitado lamang sa iilang araw ang pag-request ng refund.
Hindi pinapakita ng Audacity ang inaasahang lenguahe. Pwede ba ito palitan?
Ang Audacity ay maaring magpakita sa maraming non-English languages. Sa Windows, ang Audacity installer ay naka-set sa lenguahe na ipinakita, pero ang Audacity ay gumagamit ng lenguage depende sa lenguahe na ginagamit ng operating system. Bilang resulta, maari mong ibahin ang display language ng Audacity.
Kung nababasa mo ang kasalukuyang lenguahe na ginagamit ng Audacity, madali nang ibahin ang lenguahe nito. Buksan ang , at piliin ang na makikita sa listahan sa kaliwa. Ngayon, pumili ng lenguahe na makikita sa "Language" box, at i-click ang OK. Halos lahat ng Audacity interface ay magbabago ng isang beses laman, pero mayroon na kaunting interface elemenets na magbabago sa susunod na ni-restart ang Audacity.
Kung ang Audacity ay gumagana sa isang unfamiliar language, tingnan ang pahinang ito sa manual.
Magkakaroon ba ng bersyon ang Audacity sa iPod, iPad o iba pang smartphones o tablet computers?
Ang mga current versions ng Audacity ay gumagana internally kasama ang uncompressed audio para magkaroon ng high quality editing na may iba't-ibang uri na mga effects. Ito ay nangangailangan ng higit pa na processing power at disk space kumpara sa nakikita sa iba't-ibang uri ng mobile devices. Ang wxWidgets interface library na aming ginagamit ay sinusuportahan lamang ang kaunting bilang ng mobile operating systems at maliliit na mga screen resolutions.
Sumakatuwid, kinokonsidera ang muling pagsulat ng Audacity at mga interface nito ay kakailanganin bago gumana ang Audacity sa mga portable music players kagaya ng http://en.wikipedia.org/wiki/IPod iPod], smartphones kagaya ng iPhone, tablet computers kagaya ng iPad o kahit na anong Nexus devices na tumatakbo sa Android.
Sa kabilang banda, ang Audacity in principle ay sinusuportahan ang tablet PC na pinapatakbo ng Windows XP (kasama ang Windows XP Tablet PC Edition), Vista, Windows 7 o WIndows 8 (kasama ang "Surface" with WIndows 8 Pro) tablet ng Windows. Ang Audacity ay hindi gagana sa Windows RT operating system na nagi-ship sa mga devices na tumatakbo sa ARM architecture (kagaya ng Microsoft's Surface with Windows RT tablet).
Mayroong mga alternatibo na available para sa lightweight recording or pag-edit sa mga mobile platforms:
- Android: TapeMachine Recorder
- iPhone, iPod Touch and iPad:
iSaidWhat?!]
- Symbian: Mixx Mobile
- Windows Mobile: WavePad for CE (free).
Pwede bang magamit ang Audacity sa Chromebook laptop?
Hindi gagana ang Audacity sa Chromebook dahil hindi pa suportado ng Audacity ang Chrome OS.
Sa kabilang banda, ang Chrome OS ay base sa Linux at madaling mai-install ang Chrome version ng Linux Ubuntu sa iyong Chromebook.
Maari mo rin na i-install ang Audacity package galing sa repository ng Ubuntu gamit ang Synaptic o ang Ubuntu Software Center, o i-compile ang Audacity na galing sa aming source code.
Paalala lamang, na ang repository versions ng Audacity 2.0.6 ay binubuo ng Ubuntu 15.04 at 15.10 ay nabuo kasama ang version 3 release ng wxWidgets o kinalaunan ay galing sa https://launchpad.net/~ubuntuhandbook1/+archive/ubuntu/audacity. Itong PPA ay ibinuo kasama ang wxWidgets 2.8.12. I-uninstall ang ano mang repository version ng Audacity na iyon in-install bago i-install itong PPA.
Bilang alternibo, maari mong i-install ang WINE compatibility layer at buksan ang official Windows version ng Audacity sa Ubuntu. Paalala lamang na ang Audacity ay maaring tumakbo ng mabagal sa ilalim ng WINE kumpara sa native Linux build ng Audacity. Ang WINE ay dapat gumana ng maayos sa mga Intel Chromebooks, pero ito ay hindi gagana sa mga ARM Chromebooks, kagaya ng Samsung Series 3 Chromebook.
Paano magiging accessible ang Audacity para sa mga motion- o visually impaired users?
Ang Audacity ay maraming mga keyboard shortcuts na pwedeng i-customised sa Keyboard Preferences. Halos lahat ng Audacity ay pwedeng wholly o partially na magamit kahit na walang mouse, na may magandang keyboard navigation of the selection. Kaunting mga features ay kasalukuyan na wala pang keyboard alternatives, notably clips, Time Tracks, at ang Tools Toolbar tools hindi kasama ang Selection Tool.
Ang Audacity ay gumagana sa halos lahat ng screen-reader programs sa Windows (kasama ang Jaws, Windows-Eyes, NVDA). Pero may kaunti pang mga features na notably Label Tracks, hindi nababasa. Kailangan pa namin i-improve ang screen-reader para Linux.
| Sa kasamaang palad, ang Audacity 2.1.2 ay hindi accessible sa mga users ng VoiceOver, at ito ang kaso sa Audacity 2.1.1 release. Pero, ang accessible version ng AUdacity 2.1.1 ay available sa pag-download sa Mac OS X page sa Audacity website. Ang pangalan nitong accessible version ay 2.1.1-vi. Inaasahan na ang future versions ng Audacity ay magiging accessible sa mga users ng VoiceOver. |
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Accessibility. Mayroong mga links na makakatulong para sa free screen reader at support resources para sa mga bulag sa aming Wiki page Audacity for blind users.
Anong mga features meron ang Audacity para sa speech transcription o speech recognition?
Ang Audacity ay hindi ginawa bilang transcription o speech recognition software, pero mayroon din mga features na magagamit para sa pag-transcibe ng speech manually.
- Maari mong magamit ang Transcription Toolbar para ma-play ang audio nang mas mabagal (at babaan ang pitch).
- Maari ka na magdagdag ng labels at ng playback position gamit ang CTRL + M (o COMMAND + . sa Mac) at mag-type sa label. Gamitin ang para sa pag-export ng tab-delimited plain text file na naglalaman ng text at audio position ng bawat label.
- Ang Audacity ay may mga iba't-ibang configurable keyboard shortcuts na pwedeng magamit sa pag-control ng playback at editing. Sa kabilang banda, ang Audacity ay wala pang global shortcuts na gumagana kahit na mayroon kang focus sa ibang program. Ang ibang mouse gestures (hindi pa configurable) ay pwede rin gamitin.
Foot pedals: Ang Audacity ay wala pang built-in support sa mga foot pedals, pero kung mai-install mo ang suitable driver, ang pedal ay magde-deliver ng mouse clicks, o key stroke, ang Audacity ay pwedeng ma-control ang mga ito. Ang pedal manufacturer ay maaring mag-assist, o ang ibang pedals (kagaya ng, Vpedal o X-keys) ay may kasama nang software para mai-map ang pedal buttos para sa specific keystrokes. Bilang alternatibo, kung ang pedal ay recognised ng computer bilang Game Controller o Human Interface Device, maari kang gumamit ng third-partyspftware kagaya ng AutoHotKey (Windows) para sa pag-map ng pedal buttons patungong keystrokes. Ang USB Overdrive ay parehas lang sa Mach para sa USB pedal.
Speech recognition: Kung ikaw ay naghahanap ng software na pwedeng ma-recognise ang microphone input o speech sa audio file at i-convert ito automatically sa text file, tingnan ang Wikipedia's list of speech recognition software.
Gagana ba ang Audacity sa mga 64-bit system?
Wala pang 64-bit version ang Audacity except ang Linux 64-bit systems. Ang 32-bit Audacity ay dapat gumana sa 64-bit systems, kailangan ng appropriate drivers para sa sound device. Kailangan ng sufficient RAM para gumana ang Audacity at support sa may mas malaking memory requirements ng 64-bit systems kumpara sa 32-bit.
Windows 64-bit
Sa 64-bit versions ng Windows, ang mga sound device drivers na sakto sa 64-bit operating system ay kailangan. Kung ang pag-upgrade galing 32-bit patungo sa 64-bit operating system, ang 64-bit operating system ay kailangan, at ang sound device drivers ay kinakailangang updated sa 64-bit version.
Ang mga users na nag-upgrade galing 32-bit Windows XP patungo sa 64-bit WIndows vista o mas bago pa ay kinakailangang siguraduhin na ang computer ay pasok sa Audacity's minimum system requirements for Windows.
Mac OS X 64-bit
Ang OS X 10.6 o mas bago pa ay sinusuportahan ang parehong 32-bit processors, may kasamang mga kaunting issues sa mga supplied system drivers.
GNU/Linux
Kung nag-install ka ng 64-bit version ng Linux sa 64-bit machine, ang repository build ng Audacity ay offered galing sa packaging system na normal sa 64-bit. Kung sarili mo na-compile and Audacity galing sa source code na default ./configure at i-build ang 64-bit version. Pwede mo ma-check kung mayroon kang 32-bit o 64-bit version ng Audacity gamit ang file command.
Suportado ba ng Audacity ang low latency ASIO drivers
Ang Licensing restrictions ay hinahadlangan kami kasama ang ASIO support sa released versions ng Audacity, pero ang AUdacity ay maaring ma-compile kasama ang ASIO support para sa pribado at non-distributable na paggamit.
Paano ko malalaman ang bersyon ng Audacity na meron ako, at kung ito ba ang bagong bersyon?
Pwede mong pindutin ang (o sa Mac ) para malaman nag version ng Audacity na iyong ginagamit.
Pindutin ang ay bubuksan ang download page ng Audaciy http://audacityteam.org/download/ sa iyong browser at ipapakita ang iyong Audacity version number sa browser address bar.
Pwede rin na mag-subscribe para maka-tanggap ng e-mail kung sakali na kami ay mag-release ng bagong versions ng Audacity sa pamamagitan ng pag-fillup sa form http://lists.audacityteam.org/cgi-bin/mailman/listinfo/audacity-announce.
Bakit ang Audacity ay hindi mai-ship kasama ang MP3 encoder?
Sa kasamaang palad, ang algorithm sa pag-encode o paggawa ng MP3 files ay patented at ang Audacity ay hindi maisasama ang MP3 exporting algorithm ng walang bayad o sumusuway sa copyright law sa ibang bansa.
Bilang kompermiso, ang Audacity ay may kakayahan na gumamit ng ibang MP3 encoders, na kailangang i-download separately. Ikaw ang bahala na siguraduhin ang compliance sa kahit na anong licensing restrictions na na-imposed ng MP3 encoders.
Para i-install alng LAME, tingnan ang "How do I download and install the LAME MP3 encoder?".
Paano ako makakatulong para mapaganda ang Audacity?
Tingnan itong pahina sa main Audacity Website.